GOV’T EMPLOYEE LAGLAG SA BUY-BUST NG PNP-PRO5

NADAKIP ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang isang government employee sa buy-bust operation sa Masbate City.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Aljon Repollo y Lim, casual employee ng Masbate City Legislative Office at residente ng Brgy. Nursery sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek noong Miyerkoles, Hunyo 2, dakong 8:55 ng umaga sa Purok 5, Brgy. Nursery, Masbate City.

Kabilang sa naglunsad ng buy-bust operation laban sa suspek ang Masbate CPS, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Steve Dela Rosa, katuwang ang mga operatiba ng PPDEU-PIU, RPDEU-RID5, RIU5, Masbate PECU, RMFB5, RPSPU5, 1st PMFC, 502nd MARPSTA at Aviation Group sa koordinasyon ng PDEA ROV under control number 1007-062021-0007.

Ang operasyon ay nag-ugat sa nakalap na impormasyon hinggil sa suspek na sangkot umano sa drug trafficking sa Masbate City.

Samantala, nalaglag din sa mga tauhan ni P/BGen. Estomo ang top 1 most wanted person municipal level sa kasong murder sa Masbate.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na si Noel Mora y Biñegas.

Noong Miyerkoles, Hunyo 2, dakong 2:30 ng hapon, sa Brgy. Puro, Aroroy, Masbate, naglunsad ng manhunt operation ang mga tauhan ng PNP-PRO5 kasama ng mga operatiba ng Aroroy MPS, PIU-Masbate, CIDG-Masbate PFU, 3rd Maneuver Platoon 1st PMFC at 502nd MARPSTA, sa pangunguna ni P/Capt. Joseph S. Laurio, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Manuel L. Sese, presiding judge ng RTC Branch 45, 5th Judicial Region, Masbate City. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek.

Napag-alaman, ang akusado ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang nagngangalang “Toto” noong 2015 sa Masbate. (JESSE KABEL)

226

Related posts

Leave a Comment