GOV’T OFFICIAL, MISIS NG ALALAY TANDEM SA SUBSTANDARD PROJECTS

SINO itong mataas na opisyal ng pamahalaan at asawa ng kanyang alalay — na opisyal din ng gobyerno — na diumano’y tandem sa ilang subcontract projects sa bahagi ng Mindanao?

Bagama’t hindi flood control projects, napakadelikado pa rin sa publiko ang mga ito dahil sa paggamit ng hindi akmang materyales sa disenyo at porma ng proyekto. Ayon sa mga nakakaalam, hindi lamang sila magkapareha sa trabaho kundi tandem din sa umano’y pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kilala ang naturang opisyal sa kanyang pagiging magandang lalaki at pormal na pananamit, ngunit itinuturing ito ng ilan na “balat-kayo” lamang upang takpan ang diumano’y katiwalian. Hindi nakapagtataka kung bakit marangya ang kanilang pamumuhay — may mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa probinsya, at koleksyon pa ng luxury bags ang asawa ng alalay.

Paborito raw nilang lugar ang Zamboanga dahil malayo sa mata ng publiko at mahirap ma-detect ng Pangulo. Subalit kumakalat na rin umano ang kanilang mga gawain at baka magulat na lang sila na naisumbong na ito sa Isumbong sa Pangulo website.

Clue: Ang opisyal ay dating negosyante na naging politiko, may kamag-anak sa Kongreso, at ang tunog ng pangalan ay kahalintulad ng sa isa sa mga sumikat na singer noong dekada ’80s.

116

Related posts

Leave a Comment