GREEN AWARDS INILUNSAD NI MAYOR BELMONTE SA QC

SA layuning mas mahikayat ang mga residente na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan, inilunsad ng Quezon City government ang kauna-unahang Green Awards sa bansa o ang “Quezon City Green Awards: Search for Outstanding Disaster Risk Reduction and Climate Action Programs.”

Bibigyang pagkilala nito ang mga barangay, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at mga businesses establishment na magpapatupad ng outstanding at inclusive programs sa Disaster Risk Reduction at Climate Action.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inilunsad ang unang Green Awards para mahikayat ang mga residente na makiisa sa climate action ng lungsod.

Mayroon itong tatlong kategorya: ang Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

Ang mga interesadong makilahok rito ay kailangan lang na magrehistro sa QC Green Awards microsite (greenawards.quezoncity.gov.ph), at magsumite ng requirements hanggang sa July 15.

Itinakda naman ang awarding nito sa Oktubre kung saan makatatanggap ng tropeo at cash grant ang mapipiling organisasyon at institusyon.

“With the QC Green Awards, we hope to engage more QCitizens in our efforts towards our vision of establishing a liveable, green, sustainable, climate and disaster resilient future for all,” ani Mayor Belmonte.

Ang Quezon City ay isa sa mga nangungunang siyudad sa bansa na nagtutulak ng climate justice. (JOEL O. AMONGO)

178

Related posts

Leave a Comment