GURO BINARIL NI MISTER SA SILID-ARALAN

LEYTE – Binaril ng kanyang mister ang isang babaeng guro sa silid ng paaralan habang nagtuturo nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Tanauan sa bayan ng Leyte sa lalawigan.

Ayon sa ulat, na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:45 ng umaga ay bigla na lamang dumating ang suspek na may dalang .38 caliber revolver at pinaputukan ang biktima.

Nakilala ang biktimang si Elizabeth Mandreza na tinamaan ng bala sa kanyang kanang balikat habang ang suspek na kanyang mister ay nakilalang si “Adan Mandreza”.

Matapos na barilin ay agad tumakas ang suspek ngunit nang makasalubong ang isang pulis ay sinaksak nito ang sarili gamit ang balisong.

Selos umano ang dahilan ng pagbaril ng suspek sa kanyang misis dahil sa pagdududang may ibang karelasyon ang guro.

Sa ngayon ay nasa pagamutan na ang suspek at bantay-sarado habang inihahanda ang kasong frustrated parricide na isasampa sa kanya.

(TOTO NABAJA)

46

Related posts

Leave a Comment