GURO ITINUMBA SA EATERY

QUEZON – Patay ang isang lalaking guro matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang eatery sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Sariaya Police ang biktima na si Domingo Jaron, 56, residente ng Barangay Lutucan.

Batay sa report, dakong alas-10:00 ng gabi, nasa loob ng eatery sa Guis Guis-Lutucan national road ang biktima nang pumasok ang suspek na bumaba mula sa isang walang plakang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

Pagkaraan ay walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang biktima na nagtangka pang tumakbo ngunit bumulagta sa pinto ng kainan matapos muling barilin.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima na tinamaan ng tatlong bala sa katawan habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Blangko pa ang mga pulis sa posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

275

Related posts

Leave a Comment