GUSTONG ‘KUMANTA’ SA FLOOD MESS DUMARAMI – DOJ

IBINUNYAG ng Department of Justice (DOJ) na dumarami na ang gustong “kumanta” sa kontrobersyal na flood control scam — at karamihan umano sa kanila ay mula mismo sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Prosecutor General Atty. Anthony Richard Fadullon, may mga nadagdag na aplikante na nais tumestigo laban sa mga sangkot sa umano’y malawakang korupsyon sa flood control projects.

“Merong mga nadadagdag. Kinu-consider namin ‘yan at tinitingnan kung saan sila maaari mag–state witness,” pahayag ni Fadullon sa isang press conference kahapon.

Dagdag pa niya, karamihan sa mga bagong aplikante ay mga opisyal pa rin mula sa DPWH.

“Sila’y taga-DPWH pa rin,” kumpirmasyon ni Fadullon.

Tumanggi naman ang opisyal na tukuyin kung ilan ang nadagdag sa listahan o ibunyag ang kanilang mga pangalan, ngunit iginiit niyang patuloy ang pagbusisi ng DOJ sa mga aplikasyon upang matukoy kung sino ang karapat-dapat gawing state witness sa kasong may kinalaman sa flood control corruption.

(JULIET PACOT)

34

Related posts

Leave a Comment