HALALAN 2025: SIMULA NA NG KAMPANYA

MAGLULUNSAD ang mga kandidato para sa nasyonal na posisyon ng ng kani-kanilang kampanya sa pamamagitan ng mga proclamation rally, motorcade at political pitch upang ligawan ang mga botanteng makilahok sa demokratiko pamamaraan ng pagpili sa mga nais ilang pinuno ng bansa.

Itinuturing na isang referendum ng kasalukuyan administrasyon at gayun na rin sa magiging direksyon bansa sa susunod na tatlong taon, mahahalal sa eleksyon sa Mayo 12 ang mahigit 18,000 iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Sa ilalim ng mga alituntunin ng Commission on Election (Comelec) rules, ang campaign period para sa mga national candidate—mula senador at party-list groups—at magsisimula ngayong araw, Pebrero 11 habang ang campaign period naman para sa mga lokal na opisyal ay mag-uumpisa sa Marso 28 hanggang Mayo 10.

Umabot sa 75,940,535 Pilipino ang eligible na bumoto, tumaas ng mahigit 10 milyon rehistradong botante sa nakaraang halalan noong 2022.

Hinihimok ng Comelec ang publiko na suriin ang statement of contributions and expenditures (SOCE) ng nga kandidato para maging gabay sa pagpili ng mga nais iboto.

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang hanay ng mga aspiranteng senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa opening salvo at rally na itatanghal sa Centennial Arena sa Laoag City sa Ilocos Norte. May kabuuang 3,633,900 registered voter ang Ilocos Region na binubuo ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Ayon sa campaign manager ng Alyansa at kinatawan ng Navotas City na si Toby Tiangco, ang Ilocos Norte kickoff event “ay hindi lamang paglulunsad ng kampanya kundi ming pagtiyak sa adhikain ng administrasyong isulong ang kaunlaran sa ilalim ni Pangulong Marcos Jr.”

Binubuo ang Senate slate ng administration nina dating interior secretary Benhur Abalos, Makati City mayor Abby Binay, mga senador Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Revilla, Francis Tolentino at Lito Lapid, mga dating senador Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente Sotto III at mga kongresista Camille Villar ng Las Piñas at Erwin Tulfo ng ACT-CIS party-list.

Samantala, magsasagawa naman ang Partido ng Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng kanilang proclamation rally sa Huwebes, Pebrero 13, sa Club Pilipino sa lungsod ng San Juan.

Pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang senatorial slate ng partido ay binubuo nina senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, Sagip party-list solon Rodante Marcoleta, Atty. Jesus Hinlo Jr., Atty. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc, aktor Philip Salvador at Pastor Apollo Quiboloy.

Isasagawa ni Quiboloy, na ngayo’y kasalukuyan nakadetine, ang kanyang proclamation rally sa Lapasan Gym sa Cagayan de Oro.

Magsisilbing campaign manager ng PDP-Laban si Sen. Robin Padilla na kasalukuyang presidente ng partido.

7

Related posts

Leave a Comment