Halos 1.5M dumagsa sa MNC UNDAS 2025 GENERALLY PEACEFUL

UMABOT sa halos kalahating milyong katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery noong Nobyembre 1-2 sa pagdiriwang ng Undas 2025.

Bagama’t umulan noong Sabado, marami pa rin ang nagtungo sa sementeryo upang makapagtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak at dasal sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.

May mangilan-ngilan namang iniulat na nahilo, nawalan ng malay dahil sa pagod, init at pagkagutom at hindi bababa sa tatlo ang kinailangang isugod sa ospital.

May mga iniulat ding mga bata na nawalay sa kani-kanilang magulang at guardian pero kalaunan ay natagpuan din at naibalik sa kaanak.

Kabilang dito ang isang 42-anyos na may down syndrome na nawalay sa kanyang nanay at kapatid na ilang beses ipinanawagan at nakita rin ng kanyang ina.

Sa loob ng MNC, may itinalagang Help desks, emergency tents, wrist tagging para sa mga bata at Puntod Finder Assistance desk.

Sa Puntod Finder Assistance, ito ay sa mga humihingi ng tulong kapag hindi makita ang puntod ng kanilang yumaong mga kaanak.

Naging mahigpit ang pagbabantay sa sementeryo ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), kung saan nasa mahigit 500 personnel ang kanilang ipinakalat sa loob, labas at buong paligid ng MNC.

Ayon kay MNC Director Dandan Tan, generally peaceful ang pagdiriwang ng Undas 2025 dahil wala namang untoward incidents na naitala at naging maayos at maaliwalas ang buong maghapong pagpasok ng mga bumibisita sa sementeryo.

(JOCELYN DOMENDEN)

135

Related posts

Leave a Comment