LUCENA CITY – Nasawi ang magkapatid na bata matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Purok 5, Barangay Dalahican sa lungsod noong Sabado, Nobyembre 1.
Batay sa ulat ng Lucena City Police Station, nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ng pamilya.
Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga residente upang apulahin ang apoy.
Ayon sa imbestigasyon, gumagamit umano ang pamilya ng improvised lamp bilang ilaw sa bahay na iniwang nakasindi habang natutulog sa loob ang dalawang bata.
Isa sa mga bata ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng bahay, habang ang isa ay isinugod sa Quezon Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga sugat at suffocation.
Tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga ng napinsala sa naturang insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
119
