MAGPAPAKALAT ng 9,731 tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentary elections.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief P/Gen. Nicolas Torre III, ang nasabing bilang ng deployment ay para sa parliamentary elections na gaganapin sa Oktubre 13, upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa rehiyon.
Nagpatupad na rin ng gun ban ang COMELEC sa rehiyon ng BARMM na nagsimula noong Agosto 14 at magtatapos sa Oktubre 25.
Naniniwala si Torre na magiging matagumpay ang isasagawang eleksyon sa BARMM.
(TOTO NABAJA)
