SOLONS: ‘DI PA TAPOS WAR ON GAMBLING

SA kabila ng kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga e-wallet na baklasin ang kanilang ugnayan sa online gambling apps, itinuturing ng dalawang religious leader na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi pa tapos ang ‘war on gambling”.

Mula noong Sabado, epektibo ang kautusan ng BSP sa mga e-wallet tulad ng GCash at PayMaya kaya hindi na ito magagamit ng mga naloloko sa online gambling.

Gayunpaman, kapwa sinabi nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ng Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries at CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord (JIL) na kailangan ituloy ang laban hanggang tuluyang mawala ang online gambling.

“This is a win for those of us who have been fighting to protect our people from the scourge of gambling. But it is just that—one win, one battle. We should not stop until we have won the war,” ani Abante.

Ayon sa mambabatas, malaki ang negatibong epekto ng anomang uri ng sugal sa buhay ng karaniwang mamamayan dahil nagdudulot aniya ito ng pagkawasak ng tahanan, ugat ng kriminalidad at higit sa lahat ay naging dahilan ng pagkakabaon sa utang at depresyon.

Hindi aniya mapapalitan ng kikitain sa online gambling ang mga buhay na winasak ng bisyong ito dahil pawang mahihirap ang target ng operators dahil sa paniniwalang ito ang kanilang pag-asa para gumanda ang kanilang buhay.

“We welcome the BSP’s directive, but regulation is not enough. Online gambling must be banned in its entirety to truly halt its destructive impact on families and communities,” giit naman ni Villanueva.

Ito ang dahilan kaya hiniling nito sa liderato ng Mababang Kapulungan na ipasa na ang kanyang House Bill (HB) 637 na naglalayong magpatupad ng total ban sa lahat ng uri ng online gambling lalo na’t may mga report na posibleng lumipat sa isang platforms ang mga operator matapos tanggalin ang kanilang link sa e-wallets.

“Online gambling is predatory—not just addictive, but destructive. Removing app icons is just a start. The only real solution is abolition,” paliwanag pa ni Villanueva.

(BERNARD TAGUINOD)

35

Related posts

Leave a Comment