HAWAK NG TSINA ANG KURYENTE NG PILIPINAS

FOR THE FLAG

Pinag-uusapan ngayon sa Senado ang pag-inspect at pag-audit sa mga pasilidad at operasyon ng National Grid Corp. Of the Philippines (NGCP), ang nag-iisang transmission service provider sa buong bansa.

Ang NGCP ang responsable sa pagtatalaga ng kinakailangang mga highway o daanan ng kuryente at maging ng pag-papadala ng kuryente mula sa mga generating plant papunta sa mga distribution utility katulad ng Meralco at mga electric cooperative, mga industriya, negosyo at maging sa mga kabahayan.

Ang planong pag-audit sa NGCP ay bunga ng takot na kayang isabotahe ng Tsina ang bansa sa pamamagitan ng pagpatay sa daloy ng kuryente sa lahat ng establisyemento at bahay sa Pilipinas. Ano naman ang kinalaman ng bansang Tsina sa NGCP? Malaking porsyento kasi ng NGCP ay pagmamay-ari ng bansang Tsina sa pamamagitan ng kompanyang State Grid Corp. of China na nagmamay-ari ng 40% ng NGCP. Ang lahat ng asset ng NGCP ay pagmamay-ari ng Tsina.

Ipinagmamalaki ni Department of Energy Sec. Alfonso Cusi ang kanyang bagong talagang DOE Undersecretary na si Emmanuel Juaneza na s’yang kanyang kinatawan sa National Transmission Corp. ay isang mechanical engineer at mahaba ang karanasan sa power sector.

Ayon kay Cusi, si Juaneza ang nangunguna sa pag-uusap ukol sa gagawing pag-inspeksyon at pag-audit sa NGCP. Ang suhestyon natin, hindi maaaring isang mechanical engineer at mga mambabatas lamang ang mag-i-inspect sa NGCP. Kinakailangan din diyan ng mga bihasang electrical engineer, computer engineer, software engineer at mga computer engineer.

Dahil power ang pinag-uusapan, kailangang ikonsidera ng mga mambabatas, DOE at TransCo na kaya nang i-shutdown remotely ang mga pasilidad na iyan. Ito ay malaking hamon sa audit at inspection team na binubuo nila Juaneza at Sen. Sherwin Gatchalian, at para huwag mapalusutan lalo’t seguridad ng buong bansa ang pinag-uusapan. Hindi lamang National Security Council at DOE ang nararapat na konsultahin kundi maging ang mga ekspertong tekinikal na atin nang binanggit ay mabigyan ng malaking bahagi sa isasagawang imbestigasyon sa NGCP.  (For the Flag / ED CORDEVILLA)

138

Related posts

Leave a Comment