KAPE NAKABABAWAS NG DEPRESSION
Totoong may negative effect ang pagkonsumo sa mga pagkain o inuming may caffeine partikular sa mga may insomnia.
Ang moderate na pagkonsumo sa caffeine ay may tulong sa ating kalusugan. Katulad ng pag-inom ng kape, ito ay malaking tulong sa mga dumaranas ng depresyon.
Ang minimum na pag-inom ng apat na tasang kape sa bawat araw ay may positibong epekto para labanan ang depresyon ng 20%. Syempre maliban sa pag-inom ay dapat sanayin din natin ang ating sarili na mag-exercise, kumain nang tama, at makipag-usap sa mga positibong tao.
ATMs AT PUBLIC TOILETS DELIKADO
Delikado ang mga automated teller machine o ATM at mga pampublikong palikuran dahil ang mga lugar na ito ay mataas sa dami ng dumi – bacteria o germs na posibleng pagkuhanan ng iba’t ibang uri sakit.
Dapat mas maging maingat din sa paggamit ng mga ito dahil hindi natin ito maiiwasan dahil regular natin itong inaasahan.
