HEALTH MINISTER NG BARMM AT MISIS, POSITIBO SA COVID-19

COTABATO CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang number 1 frontliner ng Bangsamoro Region in Muslim Mindanao na si Health Minister Saffrullah Dipatuan at ang misis nito.

Sa ngayon, silang mag-asawa ay hiwalay na naka-isolate sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.

Ayon kay Dipatuan, posibleng nakuha niya ang virus sa kanyang misis na merong sintomas ng sakit tulad ng sipon, lagnat at ubo.

Hiniling naman ni Dipatuan sa lahat ng mga kawani ng Ministry of Health at sa lahat ng kanyang nakasalamuha sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo na mag-self isolate.

Samantala, pito ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Ministry of Health.

Sa talaan ng MOH-BARMM, sa nasabing bilang, anim ang mula sa Lanao del Sur at isa sa Sulu.

Sa kabuuan, meron nang 688 ang total COVID-19 positive sa BARMM.

Lanao Sur pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso at Tawi-Tawi ang may pinaka-kaunti na mayroon na lamang apat.

Samantala, work from home muna ang lahat ng mga kawani ng BARMM executive building matapos magpositibo ang tatlong kawani nito.

Ipinag-utos ni BARMM chief Minister Murad Ebrahim na isagawa sa lalong madaling panahon ang disinfection at decontamination ng buong building. (BONG PAULO)

110

Related posts

Leave a Comment