BINATIKOS si senatorial candidate Heidi Mendoza sa kanyang pagbaligtad sa nauna niyang paninindigan kay Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mendoza na hindi siya sang-ayon sa ilang mga posisyon ni Quimbo ukol sa iba’t ibang polisiya, ngunit handa siyang isantabi ito alang-alang sa Marikina.
“I may not have agreed with Stella’s policy positions 100 percent in the past, but I set those differences aside for the sake of my love for my city. Hindi naman pwedeng hindi buksan ang puso at isipan dahil magkaiba kayo minsan sa ilang pinaniniwalaan,” wika ni Mendoza.
Una nang tinawag ni Mendoza ang 2025 budget bilang pinakasinalaulang budget sa kanyang 30 taong karanasan bilang auditor.
Si Quimbo ang isa sa mga bumuo ng 2025 national budget bilang vice chairperson ng Committee on Appropriations.
Kinuwestiyon ng ilang Marikina netizens ang posisyon ni Mendoza, sa pagsasabing sangkot si Quimbo sa katiwalian, lantarang vote-buying, at maanomalyang pag-apruba ng 2025 national budget. Kamakailan, inatras din ng LGBT community ang kanilang suporta kay Mendoza sa kanyang pagtutol na gawing legal ang same-sex marriage.
