HELPER TODAS SA MISTER NG KAAWAY

SINAKSAK sa dibdib habang mahimbing na natutulog ang isang 26-anyos na lalaki makaraang magsumbong ang misis ng suspek na nakaaway nito sa Baseco Baseco Compound, Port Area, Manila.

Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ang biktimang si Jerson Aguilar, helper, ng 040 Block 1, Aplaya, Baseco Compound, Port Area.

Timbog naman ang suspek na si Ryan Conde, 29-anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Det. Dennis Suba ng Manila District Homicide Section, bago ang pananaksak, bandang alas-11:30 ng tanghali nang makipagtalo ang biktima sa asawa ng suspek na si Wilma Quitorio.

Ayon sa saksi, natutulog umano ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi sa monoblock chair nang lapitan ng suspek at inundayan ng saksak saka kaswal lamang na naglakad papalayo si Conde.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay. (RENE CRISOSTOMO)

428

Related posts

Leave a Comment