HERNANDEZ AT DE LEON NANUMPANG KONSEHAL SA LAS PIÑAS CITY

PORMAL nang nanumpa ngayong Biyernes, Hunyo 27, ang mga bagong halal na opisyal ng Las Piñas City.

Kabilang sa nanumpa ang mga bagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Francis ‘Danok’ Hernandez ng District 2 at Konsehal Dr. Eric de Leon ng District 1.

Si Konsehal Danok Hernandez ay hindi na bago sa serbisyo publiko, lalo na sa sektor ng Kabataan. Bilang kilalang adviser ng Asenso Kabataan, isa sa pinakaaktibong youth organization sa Las Piñas, kinilala si Hernandez sa kanyang pagiging hands-on leader at sa pagtutok sa mga proyektong nakatuon sa leadership, edukasyon at community empowerment ng Kabataan. Ang kanyang panalo ay simbolo ng tiwala ng publiko sa kakayahan ng mga lider na tunay na galing sa grassroots.

Samantala, bagong mukha rin sa konseho si Dr. Eric De Leon, isang doktor na matagal nang nagsisilbi sa mamamayan sa pamamagitan ng libreng operasyon, konsultasyon at iba pang programang medikal. Kilala siya sa kanyang malasakit at tahimik na pagtulong kaya’t hindi na nakapagtataka ang kanyang pagkapanalo.

Ang kanilang oath taking ngayong araw ay simula ng panibagong yugto sa paglilingkod para sa mga taga-Las Piñas.

Sa bagong approach at dedikasyon ng mga konsehal tulad nina Hernandez at De Leon, mataas ang pag-asa ng mga residente sa mas progresibo at mas makataong pagmamahal.

(DANNY BACOLOD)

12

Related posts

Leave a Comment