HERNANDEZ AT MENDOZA ‘DI TINANGGAP SA WPP – DOJ

HINDI kailanman tinanggap sa Witness Protection Program (WPP) sina dating DPWH-Bulacan engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Ito ang paglilinaw ng Department of Justice (DOJ), kasabay ng iginiit na hindi rin sila mga covered witness o provisionally admitted sa nasabing programa.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, ang tanging mga dating opisyal ng DPWH na provisionally admitted sa WPP ay sina dating DPWH Engineer Henry Alcantara at dating DPWH–NCR Regional Director Gerard Opulencia.

Ang dalawa ay una nang nagsauli ng milyun-milyong pisong sinasabing nakulimbat mula sa maanomalyang flood control projects.

Kasama rin sa WPP si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, na nangakong magsasauli ng perang sinasabing nakuha sa nasabing mga proyekto.

Una nang ipinaliwanag ng DOJ na ang pagsasauli ng pera ay bahagi ng restitution process alinsunod sa mga probisyon ng Witness Protection Program.

Nilinaw rin ng DOJ na ang pagpunta ni Alcantara sa DOJ ay bahagi ng kanyang boluntaryong commitment bilang saklaw na testigo sa ilalim ng kanyang kasunduan sa WPP.

Samantala, napailing na lamang si Alcantara nang tanungin tungkol sa usap-usapang binawi niya ang naunang pag-amin sa pagkakasangkot sa mga “ghost” flood control projects sa Bulacan.

Si Alcantara, na sakop ng WPP, ay nagtungo sa Department of Justice kahapon ng umaga upang makipagpulong sa mga miyembro ng programa, ayon kay DOJ spokesperson Raphael Niccolo Martinez.

Giit pa ng DOJ, wala pa silang natatanggap o nare-review na anomang affidavit mula kay Alcantara na bumabawi sa kanyang mga naunang pahayag.

“There has been no official recantation by Alcantara, whether written or verbal,” ani Martinez.

Kamakailan, nag-turn over si Alcantara ng P181.37 milyon sa DOJ bilang bahagi ng kanyang pangakong isauli ang kabuuang P300 milyon na inamin niyang iligal na nakamkam bilang kickback mula sa mga flood control projects.

(JULIET PACOT)

2

Related posts

Leave a Comment