MAAARI nang magtrabaho sa gobyerno ang mga high school at senior high school graduate matapos amyendahan ng Civil Service Commission (CSC) ang educational requirements para sa mga first level position sa government services.
Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500229 na pinagtibay noong Marso 5, 2025 at kahapon lamang isinapubliko, maaari nang magtrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno ang mga high school at senior high school student na nagtapos noong 2026.
“The revisions now formally recognize Junior High School (Grade 10) and Senior High School (Grade 12) graduates under the K to 12 curriculum as eligible for first-level government positions,” ayon sa CSC.
Ang mga first-level position sa gobyerno ay kinabibilangan ng clerical, trade and crafts at custodial services kung saan hindi kailangang nagtapos ng 4 year course subalit nakatuntong sa kolehiyo ang maaari lamang mag-apply.
Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga high school at senior high school graduate kasama na ang nagtapos mula noong 2016 na makapagtrabaho sa gobyerno ay inamyendahan ng CSC ang ang dating mga educational requirement.
Mas malaki din ang oportunidad mga high school at senior high school graduates na makuha ang mga nabanggit na posisyon sa gobyerno kung nakapagtapos ang mga ito ng vocational courses at dumaan sa mga training at malawak na ang kanilang karanasan sa trabaho.
Pinanatili din ng CSC ang requirement na kailangang ipasa din ng mga ito ang Civil Service Sub-professional eligibility para sa mga nabanggit na posisyon sa gobyerno.
“This policy shift aligns the qualification standards with the outcomes of the K-to-12 education reforms and aims to broaden opportunities for young Filipinos to join the civil service,” ayon pa sa CSC.
(PRIMITIVO MAKILING)
