NAKAPAGTALA ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80% na naitalang pagtaas nito sa Quezon City.
Base sa ulat na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula Enero hanggang Hulyo 28, 2022 ay nakapagtala ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80 porsyentong pagtaas kumpara sa sa parehong panahon noong nakaraang taon, at 7 ang iniulat na namatay.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng siyudad na nakararanas ng mga sintomas ng dengue, na magpakonsulta na.
“We are seeing a rise in cases in our city, not just of COVID but also of dengue so we are encouraging our residents to get tested so they can seek consultation and start treatment early,” ani Belmonte.
Sinabi naman ni City Health Department Officer-in-Charge Dr. Esperanza Arias sa mga residente, kung sino man ang nakararanas ng lagnat ng dalawa hanggang limang araw ay magtungo sa pinakamalapit na health center para magpakonsulta. (JOEL O. AMONGO)
225 