HIGIT 1M DEBOTO NAKIISA SA PISTA NG NAZARENO

TINATAYANG mahigit isang milyong deboto ang nakiisa sa limang araw na pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Base sa pagtaya ng Quiapo Church Operation Center, nasa kabuuang 1,268,435 ang mga dumalo sa mga aktibidad ng kapistahan.

Sa simbahan ng Quiapo ay umabot sa 925,782 ang mga dumalo sa misa mula Biyernes (Enero 6) hanggang nitong Martes, Enero 10.

Sa Quirino Grandstand naman, nasa 254,653 mananampalataya ang nakiisa sa pagpupugay, dating ‘pahalik’ sa imahe ng Itim na Nazareno.

Nauna nang iniulat na nasa 88,000 deboto ang lumahok sa “Walk of Faith” noong madaling araw ng Linggo.

“We have indeed gotten to our target crowd of 2 million (far from the five million total projected  during the pre-pandemic Traslacion, but double the number during the pandemic Traslacion 2021)”, pahayag ni Fr. Earl Valdez, attached priest ng simbahan.

Sa kabuuang pagdiriwang, itinuturing ni Manila Police District – Director Police Brigadier General Andre P. Dizon na  matagumpay ang ilang araw na aktibidad at walang anomang iniulat o naitalang hindi kanais-nais na pangyayari.

Pinangunahan ni Police Major General Jonnel Estomo, NCRPO chief ang pag-iinspeksyon sa dalawang lugar na pinagdausan ng pagdiriwang.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, ipinaabot ni General Dizon ang pasasalamat sa kanyang mga station commander sa maayos na seguridad ng kapistahan. (RENE CRISOSTOMO)

496

Related posts

Leave a Comment