NAIS isentro ng Korte Suprema sa pagpapakumbaba, karangalan at sangkatauhan ang legal na karera ng mga batang abogado sa Pilipinas.
Kasunod ito ng oath-taking ceremony para sa 3,962 bagong lawyers na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Biyernes, Enero 24, 2025.
Pinangunahan ng Supreme Court ang seremonya ng panunumpa para sa bar passers na gumuhit sa kasaysayan ng bansa.
Pinaalalahanan ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, ang incoming chairperson para sa 2025 bar examinations, ang mga barrister na isentro ang kanilang legal na karera sa pagiging makatayo at mapagkumbaba. (JULIET PACOT)
16