NASA mahigit 60,000 na ang bilang ng mga nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections, nasa kabuuang 63,360 indibidwal na ang nakapagparehistro para sa 2026 BSKE at Bangsamoro parliamentary elections, binubuo ng 31,192 babae at 31,552 lalaki.
Nakapagtala ang Lanao del Sur ng pinakamataas na bilang ng registrants na umabot sa 15,936. Sinundan ito ng Maguindanao del Norte na may 13,585; Maguindanao del Sur na may 9,636, at Basilan na may 9,494.
Sa Tawi-Tawi, nakapagtala ng 7,686 registrants kabilang ang 616 na nag-sign-up sa Register Anywhere Program (RAP) sites sa probinsya.
Samantala, ang Special Geographic Area (SGA) sa Cotabato ay nakapagtala ng pinakamababang bilang ng registrants na may 7,023.
Ipinagpatuloy ng Comelec ang voter registration sa autonomous region noong Pebrero 9. Ang registration period ay orihinal na iniskedyul na matatapos sa Marso 30 ngunit pinalawig ng hanggang Marso 31.
(JOCELYN DOMENDEN)
70 