INIUTOS kahapon ng Olongapo City court ang pagpapalaya kay US Marine Joseph Scott Pemberton, anim na taon matapos ang pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey, alyas Jennifer Laude.
Ayon sa Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74, napagsilbihan na ni Pemberton ang 10 taong prison sentence sa pamamagitan ng pag-apply ng good conduct time allowance (GCTA).
Noong Disyembre 2015, sinentensiyahan si Pemberton ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong ng Olongapo RTC Branch 74 dahil sa pagpatay kay Laude na natagpuang walang buhay sa banyo ng Celzone Lodge sa Olongapo City noong October 11, 2014.
Una rito, pinagbigyan ng Supreme Court (SC) Ang hirit ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na i-withdraw ang kanyang appeal to review kaugnay ng kanyang homicide conviction.
Sa isang pahinang notice mula sa Third Division ng Korte Suprema, base sa desisyon ng mga mahistrado sa hirit ni Pemberton, maikokonsidera na itong “closed” at “terminated” matapos maghain ng urgent motion to withdraw sa petition for review on certiorari na inihain noong 2017.
Sa resolusyon ng Third Division na pirmado ni Atty. Misael Domingo Battung III – Clerk of Court ng naturang dibisyon na may petsang June 15, 2020, granted ang petition ni Pemberton.
Napatay sa sakal ni Pemberton si Laude nang mag-check-in sila sa motel at madiskubreng lalaki pala ang huli.
Nakakulong si Pemberton sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
