HINIKAYAT ng City Health Department ng Quezon City ang lahat ng mga residente ng lungsod na gustong magbiyahe palabas ng Metro Manila na kumuhan muna ng medical travel clearance mula sa pinakamalapit nilang health center.
Ginawa ito ng City Health Department (CHD) matapos sabihin na hindi nag-iisyu ng nasabing clearance ang Quezon City Hall.
“We encourage our QCitizens to go to their health center preferably during the afternoon when the volume of patients is low,” ani CHD chief Dra. Esperanza Arias.
Ang mga residente na kukuhan ng medical travel clearance ay maaaring i-download ang health declaration form sa https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2021/01/QCHD-Health-Declaration-Form.pdf.
Bukod dito, kailangan nilang magdala ng isang government-issued identification card at barangay clearance na magpapatunay kung saan sila residente at magpapakita na wala sila sa listahan ng ‘COVID-19 suspect, probable, nor confirmed individuals’.
Ang aplikante na may kasamang batang 18-anyos pababa ang edad ay kailangan magpakita ng mga dokumento na magpapatunay ng kanilang relasyon sa menor de edad (i.e. birth certificate).
Ang aplikante namang may kasamang senior citizens o mas mataas pa ang edad sa 60-anyos ay kailangan magpresenta ng mga dokumento na nakalagay na pareho ang kanilang tinitirahan.
Kaugnay nito, ang kumpletong listahan ng health centers ng bawat distrito ay makikita sa link: https://quezoncity.gov.ph/qcitizen-guides/how-to-get-a-medical-travel-clearance-and-a-travel pass/. (JOEL O. AMONGO)
