Hindi na happy kay Dy NUP KAKALAS SA MAJORITY BLOC?

PINAG-AARALAN ng National Unity Party (NUP) ang posibilidad na kumalas sa Majority Bloc sa Kamara at lumipat sa Minority Bloc.

Ito ang kinumpirma ni NUP Chairman at Deputy Speaker Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, na nagsabing pag-uusapan ng kanilang 41 miyembro ang plano sa panahon ng Lenten recess.

“Itong recess, magmi-meeting meeting, pag-uusapan namin,” ani Puno sa press conference.

Ayon sa kongresista, mula pa sa simula ay suportado ng kanilang partido ang liderato ni House Speaker Faustino Dy, ngunit nais nilang suriin ngayong break kung mananatili pa ba sila sa Majority Bloc o lilipat sa Minority.

“Titingnan namin kung dapat pa ba kaming maiwan sa majority o lumipat na lang sa minority,” paliwanag niya.

Nilinaw naman ni Puno na wala siyang personal na alitan kay Dy, na aniya’y matalik pa niyang kaibigan. Ang posibleng paglipat umano ng NUP ay nakabatay lamang sa kanilang pagsusuri sa paraan ng pamumuno sa Kamara.

Iginiit din niya na wala silang planong palitan ang liderato ni Speaker Dy at ang tanging pinag-aaralan lamang ay ang paglipat sa Minority Bloc.

(TINA MENDOZA)

55

Related posts

Leave a Comment