HINDI sapat ang sorry kundi dapat pagmultahin ang PLDT, Smart, Sky Cable at Cignal dahil sa perhuwisyo na idinulot nito sa kanilang mga customer sa isang linggong service maintenance.
Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Kamara dahil malaki umano ang epekto ng telecom outage na ito sa public services, banking, financial transactions, online classes, online selling, and e-commerce na gumagamit ng internet services ng PLDT at Smart.
“Anong gagawin ng mga mamamayan at mga negosyong nakakonekta sa PLDT, Smart, Sky Cable, and Cignal TV? Isang linggo silang lahat nakatunganga? Isang linggong walang kita? Isang linggo hindi makabayad ng bills at mga utang?” ani Rep. Alfredo Garbin, miyembro ng House committee on legislative franchises.
Hindi aniya napaghandaan ng mga customer ng mga nabanggit na kompanya ang maintenance activity ng submarine cable systems na Asia-America Gateway dahil nag-abiso ang mga ito ilang araw bago isagawa ang pagkukumpuni gayung isa hanggang dalawang linggo ito dapat ginawa upang makapaghanda ang mga tao.
“Hindi pwede ang sorry lang sa ganyan. Milyun-milyong tao at libu-libong mga negosyo ang apektado tapos sorry lang? Bukod sa rebate, magbayad kayo ng multa,” giit pa ng mambabatas.
Ilang paaralan, kabilang na aniya ang De La Salle University (DLSU), University of Sto. Tomas ( UST) at Mapua, ang nagsuspinde o pinagpaliban ang kanilang online classes dahil sa mga telecom network advisory.
Ayon naman kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, hindi lamang ang pribadong sektor ang apektado sa masamang serbisyo ng telecom companies kundi ang trabaho ng gobyerno.
Sinabon ni Digong
Samantala, sa kanyang public address Lunes ng gabi, binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang telecommunications companies (Telcos) sa bansa dahil sa “lousy service” lalo pa’t ang mga esyudyanye ngayon ay naka- online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Matagal na aniyang nagbibigay ng matinding paghihirap ang Telcos sa mga Filipino.
Labis na ipinagtataka ng Pangulo kung bakit “very poor” ang Telcos sa bansa.
” Far and wide in between the years of its introduction, ang telco from the beginning or the telcos right from the beginning were already being complained of as not delivering the money’s worth of the people,” ani Pangulong Duterte.
“I don’t know how to go about this but may I just appeal to iyong mga telecommunications to — can you — can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public? Kasi kung kaya ko lang na mag-isang salita nandiyan na kaagad, matagal na itong natapos itong problema ng Pilipinas and even in the matter of…,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Kaya ang apela niya sa telecommunications ay paghusayin ang serbisyo.
“You know, we have to talk about this seriously actually. This has been bogging the country for so long.
It pisses me off to no end really to be discussing this telcos because ang karamihan walang service dito, walang service doon. I said that’s chicken or egg thing. Whether it’s because of the absence of the towers, they are not allowed to build or erected, or itong walang kapasidad itong telcos to invest more,” dagdag pa ng pangulo. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)
160
