Hinintay magbukas TINDAHAN NILIMAS NG HOLDAPER

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na nangholdap at tumangay sa kita at cellphone ng isang tindahan sa bayan ng Tanza noong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga nang magbukas ang isang tindahan sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nang pumarada ang isang motorsiklo.

Pumasok, tinutukan ng baril ang kahera at nagdeklara ng holdap ang mga suspek at tinangay ang P3,000,00 cash na kita ng tindahan at isang cellular phone ng kahera na P10,000.00 ang halaga.

Pagkaraan ay sumibat ang mga suspek sa direksiyon ng Tanza-Trece Road sakay ng isang motorsiklo.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto sa mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

103

Related posts

Leave a Comment