UPANG hindi masayang ang P1.9 Billion na inilaan ng gobyerno para sa COVID-19 test kits, hiniling ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) na rebyuhin ang kanilang mga ginagamit na test kits upang malaman kung alin sa mga ito ang palyado at ibasura ito sa lalong madaling panahon.
Maging ang test kits na ginagamit aniya ng licensed laboratories na hindi reliable ay hindi na dapat ipagamit upang masiguro na hindi na kumalat pa ang COVID-19.
“The DOH should discourage if not stop altogether the use of unreliable COVID-19 tests that produce high rates of false-negative results,” ani Defensor, chairman ng House committee on public account.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos makarating sa kanyang kaalaman na karamihan umano sa COVID-19 test kits ay nagtatala ng 20% false-negative results na hindi aniya katanggap-tanggap.
Dahil dito, kailangang rebyuhin lahat ng mga ginagamit na test kits, upang malaman kung alin sa mga ito ang nagtatala ng napakataas na false-negative results at maibasura upang hindi masayang ang pera ng taumbayan.
“We are investing P1.9 billion in COVID-19 screening, and the DOH should see to it that the money is spent only on the most dependable tests,” dagdag pa ng mambabatas.
Kung patuloy aniyang gagamitin ang mga palyadong test kits ay hindi na dapat ipagtaka kung lalong kumalat ang virus dahil ang mga taong positibo sa COVID-19 ay maaaring ipasa ito nang hindi sinasadya dahil lumabas sa kanilang test na negative sila.
“We are counting on the DOH to track closely the accuracy of all brands of COVID-19 tests – regardless of their country of origin – so that we may be properly guided as to which of them offer the best value for money for long-term use in the country,” dagdag pa ni Defensor.
Kailangan din aniyang isapubliko ng DOH ang bilang ng ginawang test sa COVID-19 mula Marso at kung ilan sa mga ito ang muling isinailalim sa pagsususuri dahil sa false-negative result. (BERNARD TAGUINOD)
