HOLDAPER PATAY, 1 TIMBOG SA QCPD

PATAY ang isang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at Kamuning Police Station (PS-10) habang nadakip ang kasama nito, noong Lunes sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang napatay na suspek ay tinatayang may edad na 30 hanggang 35-anyos, 5’3″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na long sleeves at asul na maong pants, at may tattoo na “Jerrel,” “Jeff” at “Delfan” sa kanyang kanang balikat.

Arestado naman ang kasama nitong si Leonardo Abando, 33-anyos, residente ng #361 Blk. 1, Gasangan St., Port Area, Manila.

Base sa report, bago ang barilan, isang hindi kilalang armadong lalaki ang pumasok sa LBC branch at nagdeklara ng holdap.

Kasunod na pumasok ang dalawa nitong kasama at tinutukan ang mga empleyado at puwesahang kinuha ang personal na kamitan ng mga biktimang nasa loob ng LBC na sina Nath Kumar, branch team head ng Matalino Branch; Ma. Pilar Ramos, 56, at Lalaine Yulo, 40-anyos.

Tiyempo namang namataan ang insidente ng nagpapatrulyang mga pulis ngunit habang papalapit ang mga ito sa nabanggit na establisiyemento ay nagpaputok ang mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng isa sa mga suspek habang nadakip si Abando ngunit nakatakas ang isa pa. (JOEL O. AMONGO)

214

Related posts

Leave a Comment