HOTEL ACCOMODATION NG MGA UMUWING OFW, BABAYARAN NG GOBYERNO

TINIYAK ng Malakanyang sa mga hotel owner na babayaran ng pamahalaan ang accommodation expenses ng mga nagbalik na overseas Filipino workers (OFWs) na kailangang isailalim sa quarantine bilang precautionary measure laban sa COVID-19 transmission.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nabayaran na nito ang P2.3 bilyon para sa accommodation costs.

Iyon nga lamang, sinabi ng Hotel Sales and Marketing Association na may utang pa ang OWWA sa 20 hotels na nag-o-operate sa Maynila, Tagaytay, at Cebu na sinasabing umaabot sa P241 million.

“Lahat naman po ‘yung mga billing ng hotel ay binubusisi, nire-reconcile at bine-verify sang-ayon po sa standard ng COA [Commission on Audit] procedures,” ayon kay Sec. Roque.

“Huwag po kayong mag-alala, may pera po tayo diyan. Meron lang po talagang mga paperwork at mga validation na kinakailangang gawin bago mabayaran,” pagtiyak ni Sec. Roque.

Tinatayang libong OFWs ang nakabalik na ng bansa dahil sa krisis na dulot ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

199

Related posts

Leave a Comment