HOUSING BANK IPINATATAYO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagtatatag ng Housing Bank of the Philippines para sa lahat ng financial assistance sa housing sector.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Housing and Urban Planning, sinabi ni Tolentino na layon ng Housing Bank of the Philippines na maiayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga gustong mag-avail ng housing program.

“Pangarap ng bawat tao na magkaroon ng tahanan na masisilungan lalo na tuwing panahon ng kalamidad, tulungan natin sila na makamit ang pangarap na ito,” saad ni Tolentino.

Lumitaw sa pagdinig na sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno na tuldukan nag housing backlogs, sa datos ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na papalo pa rin sa 6.7 milyon ang kulang na pabahay sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Hinimay sa pagdinig ang Sustainable Cities and Communities Act, at Teachers Housing Program.

Iginiit ni Tolentino na dapat nang tuluyang maresolba ang problema sa mga pabahay sa bansa.

“More than ever, now is the right time to discuss and put an end to this issue. Ang tagal na ng problemang ito, bakit hindi matapos-tapos?” giit ng mambabatas.

 

274

Related posts

Leave a Comment