(BETH GELENA)
LUMIPAD pa-Switzerland ang mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi para sa kanilang late honeymoon.
Sa Instagram ng actress ibinahagi niya ang mga kuhang larawan ng businessman husband.
Nakatutuwa ang mga caption na sinulat sa bawat kuhang larawan.
Aniya, umiinit na raw ang ulo ng asawa dahil sa walang katapusan niyang pagsa-shopping.
Kinumpara pa niyang mas mainit pa raw ang ulo ni Perry kesa sa weather sa Cannes, France.
Nire-remind kasi siya ng hubby na “tama na shopping.”
Nag-umpisa na nga raw magalit si Perry sa kanya.
“Mainit na ulo niya…” unang caption ni Kris.
Sinundan pa niya ng, “Kasing init ng weather…”
Ang third line ay, “Tama na shopping…”
Bumisita rin sa Europe ang mag-asawa. Bawat puntahan nilang lugar ay pino-post ng aktres para rin ma-update ang kanyang fans at followers sa mga kaganapan nilang mag-asawa.
Siyempre, hindi maiwasang mag-shopping ni Kris sa kanyang favorite designer stores, ang Chanel kung saan marami siyang pinamiling items.
Kamakailan lang ay may posted photo ang aktres na lovely Chanel beach towel and bag.
Ang presyo ay nasa P125,000 na sobra raw expensive.
Gusto raw sana niyang bilhin pero mas umiral daw sa kanya ang maging praktikal.
“Want, but mamumulubi na me,” ang witty caption niya.
