HULING TRAINING; PACQUIAO ‘DI NAGPAAWAT

manny44

(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

HOLLYWOOD – Ibinuhos pa rin ni eight division world champion Manny Pacquiao ang lahat sa huling araw ng ensayo sa Wild Card gym, bago bumiyahe patungong Las Vegas nitong Lunes (Martes sa Maynila).

Apat na rounds ng sparring kay AB Lopez, ipinamalas ni Pacquiao ang bilis ng kamay at mga paa, sinundan ng anim na rounds sa mitts katuwang si chief trainer Buboy Fernandez, dalawang round sa double-end ball at routine exercises.

Pilit inaawat si Pacquiao ng kanyang training staff sa pangunguna ni Fernandez, dahil sa tingin nila’y sobrang pahirap na sa katawan ang ginagawa ng Fighting Senator, pero hindi ito nagpaawat at tinapos ang mga dapat gawin sa gym.

“Good training camp,” sambit ni Pacquiao, na hindi nawawala ang ngiti kahit pagod sa ensayo at pagkatapos ay nagbihis na at bumiyahe sampu ng buong Team Pacquiao patungo sa Sin City.

“Nagawa natin ang lahat ng dapat gawin dito sa Wild Card gym, pagdating sa Las Vegas magaan na ang trabaho hanggang sa laban,” wika pa ng 40-anyos na si Pacquiao.

 

 

174

Related posts

Leave a Comment