HUWAG TIPIRIN ANG TESTING KITS

WALANG mangyayari sa target ng gobyerno na matigil ang hawaan sa coronavirus disease 2019 kung tinitipid ng Department of Health (DOH) ang testing kits na hawak ng mga ito ngayon mula sa donasyon ng iba’t ibang bansa.

Ito ang pahayag ni Iloilo Rep. Janette Garin kung saan, base sa datos umano na kanyang nakalap, kayang ipa-test ang halos isang milyong katao sa testing kits na hawak ng DOH ngayon.

“Local Government Units are doing their part and much more to fight this pandemic. LGUs are even aggressively helping in contact tracing. Ngunit kapag ipapatest na sila, ang sagot ng DOH palagi ay, ‘Kulang testing kits. Dapat magtipid.’ There is a big difference between ‘pagtitipid’ and being efficient,” ani Garin.

Ayon sa mambabatas, kailangang may kaakibat ang testing kits na enhanced contact tracing at hindi dapat pinipili ang mga ipapa-test dahil maging ang mga nakararanas ng mild symptoms ay nakakahawa pa rin.

“Hindi tayo maaaring magtipid ng test kits at the expense of the health of our kababayans. Tandaan nating isang pandemic ang COVID-19 at hindi natin ito malalabanan kung hindi tayo efficient gumamit ng mga resources na mayroon tayo,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas, nag-donate ang Singapore ng 43,000 testing kits, habang ang China ay nagbigay aniya ng 100,000 sandure kits at 2,000 BGI Kits at 57,000 naman ang mula sa bilyonaryong si Jack Ma samantalang ang 20 units ay mula sa Brunei.

Hindi pa kasama aniya rito ang binili at dinonate ng iba’t ibang organisasyon sa pamahalaan at iba’t ibang LGUs kaya maaari umanong makapagpa-test na ang gobyerno ng halos isang milyong katao, “That means we have the capacity to do 9,923,000 tests already with 202,020 test kits. Ngunit ayon sa DOH COVID Tracker, we have only conducted 43,500 tests and we only have 99,750 remaining test kits. Hindi well accounted for o documented ang mga test kits,” ani Garin.

Dahil dito, hiniling ng mambabatas na maging transparent ang DOH at gamitin na lahat ng testing kits na hawak upang mabilis na makontrol ang pagdami ng mga biktima ng COVID-19. BERNARD TAGUINOD

295

Related posts

Leave a Comment