Ibang site sinisiyasat – DILG 7 ILLEGAL E-SABONG WEBSITES ISINARA

sabong

UMABOT na sa pitong illegal e-sabong operations ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government matapos na ipasara ang kanilang web sites kasunod ng isinagawang crackdown sa utos ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, kasalukuyang sinisiyasat ng PNP Anti-CyberCrime Group kung sino-sino ang administrators ng mga natukoy na websites para sampahan ng kaukulang kaso.

 “These criminals thrive on the anonymity of the internet and they are taking advantage of this but the PNP together with our colleagues from the National Bureau of Investigation will not rest until they have been unmasked,” ani Malaya.

Nabatid na regular ngayon na nagsasagawa ng cyber patrolling operations ang experts ng PNP Cybercrime group para matunton ang websites, applications, at social media platforms na ilegal na nag-o-operate kahit nagbaba na ng kanyang direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itigil ang lahat ng online sabong operation.

“Another 12 websites and 8 social media platforms were monitored by the PNP Anti-CyberCrime Group to be operating illegally and we are coordinating with the Department of Information and Communication Technology (DICT) for these websites to be shut down,” dagdag pa ng ng opisyal ng kagawaran.

Nabatid na dalawa lamang sa 12 websites, ang naka-register sa Pilipinas at ang iba ay mga nasa ibang bansa.

Bukod dito, may mga nadiskubre rin umanong ilang Facebook pages and groups na nagpo-promote ng e-sabong na siyang nagbibigay ng link kung saan maaaring magpadala ng mensahe. “Once you open the link, you will be able to register and create an account to log-in. It’s very easy to register so even minors are able to access the sites freely,” ani Malaya

Hiniling na ng DILG sa  Meta, ang  parent  company ng  Facebook, na agad na  i-delete o suspendihin ang nasabing Facebook pages na may kaugnayan sa  e-sabong.

At dahil ang tayaan sa sugal o mode of payment and cash-out ay sa pamamagitan ng GCash at iba pang platforms, hihilingin din nila ang tulong ng Globe para matigil na ang paggamit ng nasabing platform para sa illegal purposes.

Nabatid na ang illegal e-sabong outfits ay nag-o-operate nang walang licenses or franchises mula  national o local governments at hindi rin nagre-remit kahit piso sa kaban ng bayan. (JESSE KABEL)

164

Related posts

Leave a Comment