IBA’T IBANG AHENSYA PINAGKOKOMENTO NG SC SA WRIT OF KALIKASAN PETITION NG MGA ABOGADO, ENVIRONMENTALIST

PINAGKOKOMENTO ng Korte Suprema sa loob ng 10 araw ang mga ahensya na inirereklamo sa writ of kalikasan petition na inihain ng ilang environmental groups noong Setyembre.

Sa utos ng SC, inatasan ang mga respondent na magsumite ng kani-kanilang verified return o pormal na sagot sa petisyon. Kabilang sa mga pinadalhan ng kautusan ang Office of the President, Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating House Speaker Martin Romualdez para sa Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang naturang hakbang ay kaugnay ng petisyong inihain noong Setyembre 11, 2025 ng ilang abogado at environmentalist na pinangunahan ni Atty. Antonio Ariel Inton Jr., ng Lawyers for Commuters Protection and Safety (LCPS).

Ayon sa petisyon, hinihiling nilang atasan ang gobyerno na magsagawa ng malawakang clean-up drive at ipa-back job o ipaayos sa mga kontratista ang mga substandard na flood control projects sa halip na muling gastusan ng bagong pondo.

Ang petisyon ay may kaugnayan sa mga akusasyon ng katiwalian sa mga proyekto ng DPWH na sangkot sa umano’y anomalya sa flood control programs ng pamahalaan.

60

Related posts

Leave a Comment