IGINIIT ng isang senador na kailangan ang “unified whole-of-nation approach” para mapalakas ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Sa virtual meeting kasama ang mga top government official at mga kinatawan ng medical at business sectors, sinabi ni Senate Committee on Health chairman at Senador Christopher Bong Go
na kinikilala ang halaga, karanasan at kaalaman ng mga ito sa laban sa pandemic kaya naman siniguro nito ang kahandaan ng pamahalaan na pakinggan ang kanilang mga payo.
Kinilala rin ni Go ang ambag ng business sector at ang medical community sa promotion at protection ng kapakanan ng mga kapwa Filipino.
Binigyang-diin ni Go na walang katumbas ang sakripisyo ng mga medical frontliner para malampasan ang pandemyang dulot ng virus.
Dagdag ng senador, dapat ding pasalamatan ang business sector dahil sa pakikipagbayanihan at pakikipagtulungan sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Malaking tulong aniya ang ng dalawang sektor para sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19 maging sa paghahanda sa long-lasting recovery at sustainable future. (NOEL ABUEL)
181 