(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ng Malacanang na hindi makapapasok sa bansa ang International Criminal Court (ICC) personnel na nagbabalak pumunta rito para magsagawa ng preliminary investigation sa giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos diretsahang ihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na kaagad nilang ide-deny ang visa ng ICC personnel para hindi makapasok sa bansa.
“Matulog na lang sila. Why should we allow them to do it first before we do something,” wika ni Panelo.
Pero kumambyo naman ang Malacanang at sinabing maaari namang bumisita sa bansa ang ICC personnel bilang mga turista pero may babala ito na kaagad ipatatapon pabalik ng kanilang bansa kapag lumabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa Pilipinas.
“If they persist they will be deported. You will be violating our sovereignty. The Immigration officials have the discretion to deny you entry if they feel na ang gagawin mo rito eh either labag sa batas o manggugulo ka lang dito,” pahayag pa ni Panelo na tumutukoy sa mga ICC personnel
Natatandaan na noong Marso 17 lamang nang tuluyan nang kumalas ang Pilipinas sa ICC matapos opisyal na ipaalam ng Manila sa United Nations na tuluyan na itong aalis sa ICC.
Ang Pilipinas ang ikalawang bansa na kumalas sa Hague-based tribunal, kasunod ng Burundi noong October 2017
133