KAMARA WALANG PLANONG SUMUKO SA SENADO

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD)

TALIWAS sa unang napaulat, hindi kumurap o sumuko ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Senado sa P3.757 Trillion national budget na patuloy na natetenggga dahil sa isyu ng pork barrel.

Sa statement ni House Appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sinabi nito na walang sinuman ang may otoridad, kasama siya, na i-withdraw ang naratipikahang national budget.

Sinabi ng kongresista na inaprubahan at niratipikahan ang 2019 national budget sa plenaryo ng Kamara kaya kung iwi-withdraw man aniya  ito ay dapat ding gawin sa plenaryo.

Si San Juan Rep. Ronaldo Zamora ang itinalaga ni Arroyo na makipag-negosasyon sa Senado para matapos na ang impasse sa pambansang budget matapos kontrahin ng mga senador ang kanilang ginawang pag-itemize sa lumpsum budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Well ayoko naman sabihin bumigay. Basically they wanted a sign of good faith in order to continue discussing at basically sinasabi nila nagpadala kayo ng ilang dokumento containing the enrolled bill as you see it eh kung pwede bawiin wala naman problema kung bawiin because until the Senate president in fact signs that (national budget), that’s still not an enrolled bill ‘di ba?,” depensa naman ni Zamora.

133

Related posts

Leave a Comment