ICU BEDS PARA SA COVID-19 PATIENTS NADAGDAGAN

BUMABA na sa“medium-risk” ang dating “danger zone” na critical care capacity para sa intensive care unit (ICU) beds sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas marami nang ICU beds para sa COVID-19 patients o may 50-percent capacity o medium-risk.

Nito lamang Hulyo 13, sinabi ni Health Undersecretary and treatment czar Leopoldo “Bong” Vega na umabot na sa 70 percent ang danger zone.

Ani Sec. Roque, ang 70-percent critical care capacity ay nananatiling manageable subalit kailangan na mayroong bagong data na magpapakita na bumaba na ito ng 50 percent.

“Ang danger point ay nasa 70 percent, ang 50 percent po ay medium-risk so nasa medium risk po tayo ngayon as far as critical care capacity is concerned,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Ipinakikita aniya ng data ng pamahalaan na 665 mula sa bilang na 1,358 ICU beds ang inookupahan ‘as of July 19.’

“Magandang balita ito dahil dumami po yung mga available na ICU beds at hospital beds,” anito.

Mayroon din aniyang 5,196 mula sa bilang na 10,573 isolation beds occupied; 2,013 mula naman sa bilang na 3,665 ward beds filled; at 503 mula sa 1,988 ventilator units ang nagamit nitong Linggo lamang.

Tiniyak pa rin nito na ang mga ospital sa bansa ay makapag-accommodate pa ng lahat COVID-19 patients makaraang ipanukala ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na lumikha ng apat na dedicated hospitals sa Metro Manila.

“Ngayon po meron na tayo–ang [Philippine General Hospital], ang National Kidney [and Transplant Institute], at saka ang Quirino Memorial [Medical Center]. So dadagdagan lang po natin yung mga COVID hospitals na ‘yan ,” anito.

Samantala, hinikayat naman ni Sec. Roque ang mga mild and asymptomatic COVID-19 patient na isuko ang kanilang sarili sa facility-based quarantine lalo na kung walang available rooms o
bathrooms kung saan sila maaaring mag-self-isolate.

Aniya, ang lahat ng mild at asymptomatic patients ay magiging komportable habang nasa quarantine dahil may air-conditioned facilities, Wi-fi, at pagkain. “Sabi ko nga po sa inyo, five-star treatment po ang binibigay ng pamahalaan dito sa mga isolation centers,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

281

Related posts

Leave a Comment