IKATLO AT PINAKAMALAKING KABATAAN CENTER SA LAS PIÑAS PINASINAYAAN NI INCOMING SEN. VILLAR

PINANGUNAHAN ni Incoming Senator Camille Villar ang inagurasyon ng ikatlo at pinakamalaking Kabataan Center sa lungsod ng Las Pinas na isa sa mga proyekto ng mambabatas sa kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso.

Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sa Kabataan Center Doña Manuela Subdivision, sina Pamplona Tres Barangay Chairman Mori Riguera, Kgd. Romy Bautista, Don̈a Manuela Subdivision HOA President Kagawad Romy Bautista at SK Chairman Thirdy Torres.

Ang naturang kabataan Center ay pasilidad na nag-aalok ng ligtas, moderno, at naa-access na espasyo para sa pag-aaral, pakikipagtulungan, at personal na pag-unlad ng kabataan.

Ang naturang Community Project, sa pangunguna ni Senator Camille Villar, ay dinisenyo upang suportahan ang mga pangangailangang pang-akademiko at pag-unlad ng mga kabataan sa Las Piñas. Kabilang dito ang, Study areas at meeting rooms, Computers na may access para sa e-library at online learning tools, Free Wi-Fi at air-conditioned spaces.

Mayroon din ito na Media area at multipurpose hall para sa indoor sports events, at youth activities.

Sa kanyang naging pahayag, sinabi ni Incoming Senator Villar na kahit hindi na siya kongresista ng Las Pinas hindi pa rin niya pababayaan ang Lungsod at kanyang ipaprayoridad ito sa senado.

Handa na rin aniya siyang ipatupad ang kanyang mga pangako noon nakaraang halalan at ihain ang mga panukalang batas na prayoridad para sa mamamayan Pilipino.

(Danny Bacolod)

28

Related posts

Leave a Comment