Paano ito pahahalagahan?
Ito ang isang mabilisang impormasyon na dapat nating tandaan upang magkaroon tayo ng kaalaman o ideya sa kung papaano natin iingatan ang ating katawan at kalusugan.
1. TUMAWA NANG MAGING HEALTHY
Maganda ang naidudulot ng pagtawa sa ating puso. Ito ay dahil pinatataas nito ng 20 porsyento ang daloy ng ating dugo.
2. ALAGAAN ANG BALAT
Malaki ang nagagawa ng ating balat sa ating kalusugan kaya’t dapat itong unang-unang proteksyunan. Hindi lamang ito largest organ sa katawan kundi may silbi ito para dumepensa laban sa mga sakit at impeksyon, nire-regulate nito ang temperature at tumutulong sa production ng vitamin.
3. MAGING POSITIBO
Bilang laging naririnig na payo, always look on the bright side. Ang pagiging positibo ay nakatutulong para mabuhay tayo nang matagal.
4. MAG-EXERCISE
Malaki ang nagagawa ng ehersisyo sa ating katawan at isipan. Nagbibigay ito ng energy kahit pa tayo ay pagod.
Ang kakulangan sa exercise sa panahon ngayon ay nagiging sanhi ng maraming sakit katulad ng nagagawa ng paninigarilyo.
5. IN MODERATION LANG
Ang pag-upo o pagtulog na tama sa oras o haba ay nakatutulong sa atin. Pero kapag nasobrahan ito ay tumataas ang chance ng ating maagang kamatayan.
6. READ AND READ MORE
Ang pagbabasa ay nakatutulong para panlaban sa stress. Napapababa nito ang level ng cortisol, at iba pang unhealthy stress hormones na may 67 porsyento.
7. MAINTAIN RAPPORT
Ang pagkakaroon at pag-iingat ng mabuting pakikipagrelasyon sa pamilya at mga kaibigan ay nagiging daan upang humaba ang ating buhay.
8. LABANAN ANG DEPRESYON
Ang pag-inom ng kape ay nakatutulong upang malabanan ang depresyon lalo na sa mga kababaihan.
9. MAGING ALERTO
Malaking bagay na umamoy muna ng rosemary para tumaas ang level ng alertness at tumalas ang isipan. Magandang gawin ito bago magsimula ang meeting.
10. NGUMUYA NG CHEWING GUM
Ang pagnguya ng chewing gum ay nakatutulong bilang panlaban sa stress, nagpapababa ng lebel ng pagkabalisa at ginagawa ka nitong alerto.
11. HEALTH AND CHOCO
Ang pagkain ng chocolates ay maganda sa balat. Ang anti-oxidant na mayroon ang tsokolate ay nagpapaganda sa blood flow, at pumuprotekta laban sa UV damage.
12. 3 As
Ang almonds, avocado at arugula ay nakatutulong upang gamanda ang inyong sex drive at para sa ikaka-improve din ng fertility.
13. MORE TEA, PLEASE
Ang tsaa ay malaking benepisyo para mapababa ang heart attack, ibang tiyak na cancers, type 2 diabetes, at Parkinson’s disease. Basta iwasan lamang na hindi masyadong matamis ang inyong iinuming kape.
14. EAT YOUR OATMEAL
Ang pagkain nang regular ng oatmeal ay nakatutulong dahil ito ay may serotonin upang mapaganda ang mood at makalma ang utak.
15. IRON FOR WOMEN
Ang mga babaeng may edad 50-anyos pababa ay mas kailangan ng dalawang beses na dami ng iron kada araw kumpara sa mga lalaki na nasa parehong edad.
16. DR. APPLE
Sinasabing “an apple a day keeps your doctor away”. Ito ay dahil ang pagkain nang regular ng mansanas ay nakatutulong para maiiwas ka nito sa sakit sa puso. Napabababa kasi nito ang level ng bad cholesterol sa katawan.
17. EGG IS HEALTHY
Ang amino acid na nasa itlog ay nakatutulong sa inyong reflexes.
18. HEALTHIEST OIL
May kamahalan man, ang extra virgin olive oil ay ang pinakamasustansyang mantika sa mundo.
19. MAHALAGA ANG VITAMIN D
Ang Vitamin D ay kasing importante ng calcium sa pagdetermina ng kalusugan ng ating mga buto, at karamihan sa atin ay hindi nakukuha ito.
20. BURNING FATS
Para malusaw ang 1 pound of fat sa katawan, kailangang mag-burn ka ng aabot sa 3,500 calories. Kaya kailangan ng effort sa pag-eehersisyo.
21. RUN, BABY, RUN
Ang mga taong tumatakbo bilang kanilang mga ehersisyo na may layong 12-18 miles per week ay mas may malakas na immune system at napatataas nila ang bone mineral density.
22. MALINIS NA HANGIN
Aware tayo sa masamang polusyon sa hangin na nakukuha sa labas. Pero aware din kaya tayo na dahil mas babad tayo indoor o sa loob man ng bahay o opisina ay nakakakuha rin tayo ng masamang polusyon sa hangin?
Dapat ang kalidad ng hangin sa labas o loob man ay naroon dahil importante ang malinis na hangin sa ating lahat.
Ang mga elemento tulad ng alikabok, lumot, at cleaning supplies ay maaaring makakontamina sa hangin na nagreresulta sa poor indoor air quality.
Bilang resulta ng poor indoor air quality o kawalan ng ventilation, irritation sa mga mata, ilong, lalamunan ay nagiging karaniwan at kapag mas babad o lantad sa mga ito ay maaaring humantong sa respiratory diseases.
