ILANG BAHAGI NG GUSALI NG COMELEC MAIN OFFICE NASUNOG

AGAD naapula ng mga pamatay-sunod ang apoy mula sa ika-7 palapag kaya ligtas at walang nasunog na mga dokumento at equipment sa lahat ng mga opisina at departamento ng main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila pasado alas-6:00 ng gabi nitong Linggo.

Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, Director III, Law Department acting spokesperson, nang sumiklab ang sunog sa gusali ng nasabing palapag ay tanging ang reception area ng Information Technology Department (ITD) ng Comelec ang tinupok ng apoy.

Ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang iba pang opisina at departments na matatagpuan sa nasabing palapag ng gusali at sa iba pang palapag ay ligtas sa pinsala ng sunog.

Umabot ng ika-2 alarma ang sunog at dakong alas-8:16 ng gabi nang ideklara itong fire under control.

“Lahat ng ITD personnel na on duty ay ligtas ding lumikas kasama ang iba pang duty guards, electricians at iba pang general services personnel ng Comelec kabilang ang Palacio del Gobernador Security and Maintenance Personnel gayundin ang mga equipment,” pahayag ni Laudiangco.

“As to the Election Results and Data, please note that the same are safe, secure, intact and unaffected, and remains to be on live posting, both at the COMELEC official website (www.comelec.gov.ph) and the Election Results Website (www.2022electionresults.comelec.gov.ph),” ayon pa rito.

“Back-up of such is intact and safe as well, kept as well at our secured vault,” dagdag pa ni Laudiangco.

Ang Voter’s Registration Data rin aniya ay ligtas, secure, buo at hindi apektado sa isa pang secure na vault, na may back-up sa isang secure na off-site location

Dahil sa limitadong lugar na direktang apektado ng sunog, sinabi ni Laudiangco na ang iba pang mga digital at pisikal na file, administratibo, pagpapatakbo o panghukuman ay ligtas, buo at hindi apektado.

Kaugnay nito, nagsasagawa ang BFP ng kanilang imbestigasyon, ang lahat ng opisina at departamento ng Comelec sa Palacio del Gobernador ay dapat na nasa work-from-home status simula Agosto 1, 2022, na may kani-kanilang skeleton-work-force na naka-duty, upang magsagawa ng imbentaryo, pagtatasa at magpatuloy sa iba pang mga gawaing administratibo at pagpapatakbo.

Mahigpit naman aniya silang nakikipag-ugnayan sa BFP at sa Palacio del Gobernador Building Administration upang alamin ang sanhi ng sunog, at tiyakin ang karagdagang kaligtasan ng lahat ng mga tanggapan ng Comelec.

Pinasalamatan ng Comelec ang BFP partikular ang Intramuros Station, Manila Stations at ang National Capital Region Office, sa agaran nilang pagtugon at aksyon para mapangalagaan at mailigtas ang Comelec Main Office, mga tauhan at kagamitan nito.

“We also express our profound gratitude to the Palacio del Gobernador Administration Personnel and Security for their prompt response and assistance during the incident,” ani Laudiangco

“Finally, we commend the COMELEC Organic Security Force, General Services Division Personnel and the ITD staff for immediately implementing the fire management plan and for being steadfast in their duties during and after the fire incident,” dagdag pa nito. (RENE CRISOSTOMO)

447

Related posts

Leave a Comment