(NI SIGFRED ADSUARA)
DAGDAGAN ang pag-inom ng maraming tubig ngayong tag-init upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Ayon kay Department of Health (DoH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) Regional Director Eduardo c. Janairo, Β kulang ang walong baso ng tubig na iniinom ngayong tag-init dahil madaling made-hydrate ang katawan.
βYung alam natin na 8 glassess of water, kulang yun dahil madali tayong pawisan at ang katawan natin madaling ma-dehydrate dahil sa sobrang init. Mas maraming iniinom na tubig, mas maganda dahil kailangan ito ng ating katawan para maka-replenish agad. Isa ring mabisang paraan ito upang makaiwas sa anumang uri ng sakit ngayong tag-init,β payo ni Janairo.
Ayon pa kay Janairo, maraming lumalabas na sakit ngayong tag-init kabilang ang sore eyes, cough and colds, skin diseases, typhoid, hepatitis, cholera, measles, diarrhea and rabies gayundin ang heat stroke at sunburn Β kaya kailangan Β nating Β mag-ingat.
Pinayuhan din niya ang publiko na umiwas na nasa labas sa pagitan ng alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon dahil possibleng ma-heat stroke at sunburn.
βIto ang oras de-peligro dahil sa sobrang init ng panahon maaari kang magkaroon ng heat-stroke at sunburn. Kung maiiwasan huwag ng lumabas ng bahay kung kinakailangan naman dapat magdala ng payong, mineral water at huwag magsusuot ng de-kolor na damit because it attracts heat. Wear light colors at huwag kalilimutang maglagay ng sun-block.β dagdag pa ni Janairo.
Ayon saΒ Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), isa ang Β CALABARZON na nagtala Β ng mataas na heat indexes kung saan umabot ng 43.7Β° Celsius saΒ Ambulong, Batangas atΒ 43.2Β° Celsius sa Β Sangley Point, Cavite.
Pinayuhan din ni Janairo ang mga senior citizens na manatili sa loob ng bahay lalo na sa umaga upang makaiwas sa Β Β hypertension, asthma, heat stroke, exhaustion, heat cramps, fainting at rashes.
710 