Ilang lugar sa Calamba, not passable CALIRAYA DAM AAPAW NA

LAGUNA – Nagpalabas ng abiso ang action officers ng bayan ng Lumban at lalawigang ito para makapaghanda ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog dahil malapit nang magpakawala ng tubig sa Caliraya Dam na umabot na sa 287.72 metro ang water level.

Inaantabayanan ang natitirang .28 meters water level at handa na silang magpakawala ng tubig sa oras na umabot ito sa spilling water level na 288 meters.

Pinalilikas na ang mga nakatira sa tabing ilog na maaaring bahain ang kanilang lugar.

Samantala, maraming lugar sa lungsod ng Calamba ang kasalukuyang lubog sa baha.

Hindi na maaaring daanan ng mga motoristang papasok at papalabas ng lungsod ang national highway sa Brgy. Parian kung saan abot hanggang tuhod ang baha.

Ayon kay Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez, dalawang sasakyan na ang turmirik sa nasabing lugar na kinabibilangan ng bus at van.

Hnihintay na lang na humupa ang baha para agad na maialis ang dalawang sasakyan upang hindi makaapekto sa trapiko sa lungsod. (CYRILL QUILO)

331

Related posts

Leave a Comment