ILEGAL E-SABONG NAGLIPANA – PAGCOR

sabong

MATAPOS suspindehin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipa naman ngayon ang ilegal online sabong.

Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria,  namonitor nila na naglabasan muli ang ilegal e-sabong matapos suspindehin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang umano sa mga namamayagpag na ilegal online sabong website ang pinassabong.live; pclive1.comsabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet.
Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng online sabong ay mag-i-illegal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para kumita.

Ani Atty. Tria, nalulungkot sila na napupunta lang sa mga may-ari ng mga ilegal e-sabong ang milyon-milyong kita nila araw-araw pero walang napupunta sa gobyerno.

Inihayag pa ni Atty. Tria na inimpormahan na nila ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na operasyon ng e-sabong at ngayon ay naghihintay na lamang sila ng kanilang action.

“We have already informed the authorities. We are just waiting for their action,” aniya.
Inamin ng PAGCOR na daan-daang milyon ang kinikita nila sa e-sabong buwan-buwan at malaki ang naitulong nito sa pamahalaan lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay iniutos ng Pangulong ‘Digong’ sa PAGCOR na suspindehin ang e-sabong operation sa bansa dahil nakasisira na sa buhay ng maraming Pinoy.

228

Related posts

Leave a Comment