ILLEGAL FISHING, TALAMAK SA 20 LGUs

IBINUNYAG ni Interior Secretary Eduardo Año na talamak ang “illegal, unreported and unregulated fishing” (IUUF) sa 20 local government units (LGUs) na umabot sa walang takot na paglabag sa mga batas at alituntunin sa pangingisda.

Kaya naglabas ng “matinding babala” si Año laban sa mga opisyal ng 20 LGUs.

Idiniin ng pinuno ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa 20 LGUs na gampanan ang kanilang mandato sa pagpapatupad ng Philippine Fisheries Code.

Pinatitiyak din ni Año na protektahan ang karagatan ng bansa dahil “IUUF can cause a serious decline in fisheries resources and can negatively impact food security and livelihoods for coastal communities and fisherfolk, kaya napakahalagang tutukan ito ng LGUs”.

Batay sa impormasyon ng DILG, nanguna ang Tongkil, Sulu sa dami ng paglabag na umabot sa 2,549 beses.

Pumangalawa ang Zamboanga City sa Zamboanga Del Sur na 2,446 ang paglabag; Milagros Masbate,1,595; Cawayan Masbate, 1,350; 1,193 sa San Pascual Masbate; 1,057 sa Languyan, Tawi-Tawi; sa Calauag Quezon ay 1,009; Hadji Mohammad Abdul sa Basilan ay 973; Lanapacan sa Palawan ay 959; at Carles sa Iloilo na 762 ang paglabag.

Ang iba pa ay ang Cuyo, Palawan; Santa Cruz, Marinduque; Madridejos, Cebu; Coron, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Taytay, Palawan; Catbalogan City sa Samar; Cavite City, Cavite at bayan ng Quezon sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine National Police (PNP), ang Maritime-PNP ang nakatalagang magbantay sa karagatang sakop ng LGUs.

Ngunit nabatid ng SAKSI Ngayon na mayroong mga opisyal ng Maritime-PNP ang kumukubra ng ‘lagay’ at tumatanggap ng mga isda mula sa mga mangingisda upang hindi hulihin ang mga lumalabag sa Philippine Fisheries Code. (NELSON S. BADILLA)

188

Related posts

Leave a Comment