ILOCOS NORTE, INILAGAY SA MECQ1

SIMULA bukas, Setyembre 8 hanggang 30 ay nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte.

Nauna nang inanunsyo ni Sec. Roque na ang Ilocos Norte ay isasailalim sa “less restrictive” general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, isang protocol na bahagyang pinapayagan ang non-essential services na mag-operate subalit pinagbabawalan naman ang indoor o outdoor dining at pinagbabawalan din ang pagbubukas ng personal care services.

Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng MECQ para sa nalalabing araw ng Setyembre ay ang Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Iloilo province, Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang detalye kaugnay sa pilot run ng granular lockdown sa Kalakhang Maynila na sasailalim sa GCQ mula Setyembre 8 hanggang 30, ay hindi pa pinal.

“Pinaplantsa pa po,” ayon kay Sec.Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na nagbuo ng pandemic response

policies ng pamahalaan ay magpupulong ngayon para isapinal ang nasabing detalye.

“To be fair, it (granular lockdown details) will take effect the day after tomorrow. We will be reasonable,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang granular lockdown ay mas kalugud-lugod sa ekonomiya.

Aniya, sa ilalim ng granular lockdown, may ilang negosyo ang nakapag-operate subalit limitado depende sa specified alert level.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos na ang alert level ng kaukulang lugar ay idedetermina ng Department of Health.

Sinabi ni Abalos na sa ilalim ng alert level system, limitado ang kapasidad ng ilang sektor at industriya na ipatutupad.

Aniya, mayroong tatlong Cs sa ilalim ng bagong sistema at ito’y “close-contact,” na may kaugnayan sa personal care services; “crowded” gaya ng mga simbahan, conventions at exhibitions; at “closed spaces” gaya ng restaurants.

Sa Alert Level 1, pinapayagan nito ang lahat ng tatlong C sectors na mag-operate habang sa Alert Level 4 naman ay pinagbabawalan ang mga ito na magbukas at tumanggap ng customers.

Ang Alert Level 2, sa kabilang dako ay naglilimita sa kapasidad ng tatlong C sectors hanggang 50%. Para sa Alert Level 2 , ito ay 30% lang. (CHRISTIAN DALE)

181

Related posts

Leave a Comment