ILOILO CITY ‘NAKALAYA’ NA MULA SA PECO

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA

 

 

TAPOS na ang malili­gayang araw ng Panay Electric Company (PECO) dahil tapos na ang operasyon nito sa Iloilo City.

Ibig sabihin, ‘nakalaya’ na ang mga negosyante at residente ng lungsod mula sa operasyon ng PECO.

Ito ang sinapit na kapalaran ng PECO dahil walang ­matibay na tuntu­ngan at ­bata­yan ang apela ng ­kumpanyang ito sa ­Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) nito dahil wala itong kapangyarihang legal upang isagawa ito.

Wala na ring batayan upang payagang makabalik ang operasyon ng PECO bilang Distribution Utility (DU) sa Lungsod ng lloilo dahil wala na itong legal na kapangyarigan para gawin ito.

Pananaw ito ni dating ­Parañaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksyon sa inihaing “supplemental motion for reconsideration” ng PECO sa ERC noong Mayo 22.

Sa nasabing mosyon, hiniling ng PECO na ibalik ang “operational permit” nito upang maging power supplier uli sa Iloilo City dahil ang paniniwala ng PECO ay walang “technical competence” ang ­kasalukuyang DU na More Electric and Power Corp (More Power).

Idiniin ni Tambunting, ­dating Vice Chairman ng House Committee on Legislative Franchises, malabong makabalik nang legal ang operasyon ng PECO kahit pa maibalik ang operational permit nito dahil malinaw na wala na itong pinaghahawakang legislative franchise.

Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin maaaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang muling pamamahala sa power supply.

Ipinaliwanag ni ­Tambunting, More Power lamang ang tanging DU na legal ang operasyon sa Lungsod ng Iloilo dahil ang More Power lamang ang siyang mayroong legislative franchise na ­iginawad ng Kongreso at inaprubahan ng Malacanang.

Kumbinsido rin si Tambunting na hindi mangyayari ang hinihingi ng PECO sa ERC na sila muna ang magtake-over sa Iloilo dahil wala itong batayang legal upang makapagnegosyo.

“More Power is the one with the franchise. More is free to ask the help of PECO if it sees fit but that would be have to be decided by More,” paliwanag ni Tambunting.

Iginiit din ni Tambunting na wala na sa lugar na ipagpilitan ng PECO ang kanilang serbisyo dahil tapos na ito.

Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na ­sumuporta na maalisan ng prangkisa ang PECO kasunod na rin ng mga natanggap na ebidensya ng komite nito ukol sa kabiguan ng power firm na gampanan ang responsibilidad nito bilang power utility dahil sa isyu ng safety.

Hindi natiyak ng PECO ang kaligtasan ng mga ­residente ng lungsod, sa kabuuan, at sa mga kustomer ng PECO, sa partikular dahil nasunog ang lumang electric poles, mataas na singil sa kuryente

at mahinang customer service.

Samantala, ipinagtanggol ni More Power President at CEO Roel Castro ang kanyang kumpanya laban sa mga taktika ng PECO na ipinalalabas na walang alam ang More Power sa pagpapatakbo ng power company.

Ayon kay Castro, sa 142 empleyado ng More Power ay 70 sa mga ito ay pawang technical team mula sa PECO na kanilang kinuha at ginawa nilang regular employees sa More Power.

“There’s no point of ­saying na hindi alam ng More ang pagpapatakbo ng power company, nagbago lang ng ­management and resources pero we have the same t­echnical people and engineers

manning the whole system,” pahayag ni Castro.

Binira rin ni Castro ang taktikang pinakawalan ng PECO para siraan ang More Power.

Isa na rito ang pagpapalobo ng numero sa naranasang brownout simula Pebrero 16,2020 hanggang Hulyo 16, 2020 na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power

interruption, para palabasing incompetent ang kumpanya na malinaw na panlilinlang ito sa publiko.

“I don’t know what they’re tactics are, but one should ­really have their ethics. More Power will not go to that extent of lying,”paliwanag ni Castro.

Sabi ni Castro, ang technical readiness ng More Power ay kitang-kita sa kanilang naging operasyon simula sa kanilang pagtake-over noong Pebrero 2020.

Pangunahin na rito ang rapid response sa customer complaints na nasa average na 1 oras at 30 minuto na lamang kumpara sa tugon ng PECO na inaabot ng ilang araw hanggang isang linggo para

masolusyunan ang nasabing suliranin.

 

155

Related posts

Leave a Comment